Joe De Mango n Mango Goyong

Tuesday, July 26, 2005

I 'm Dreaming of a White Christmas..............

JUNE(WINTER)
DECEMBER (SUMMER)

I'm dreaming of a White Christmas, like the one I used to know, where tree tops glisten and children listen to hear the sleigh bell in the snow.......

And up to know it still is a dream. Winter kasi dito sa New Zealand ay June, July at August. Habang sa northern hemisphere ay pinagpapawisan ang kanilang mga kili-kili sa sobrang init dito naman sa southern hemisphere ay lamig na lamig kami naka-jacket at sweater. Sa isang pinoy na nasanay sa klimang tropikal medyo matagal mag-acclimatize pero pansin ko ang mga bata mas madaling mag-adapt. Una ko ngang dating dito kalagitnaan ng winter ay I dare not to go outside almost for a week kung hindi lang talaga kailangan kasi ginaw na ginaw ako. Samantalang ang mga bata ko parang mga itik na nakakita ng tubig noong unang makakita ng snow. Nagbabatuhan at humihiga pa sa lupang nababalutan ng puting niyebe. Naalala ko tuloy noong bata pa ako at first time kong maligo sa ulan, napakasaya habang malakas na bumubuhos ang ulan, agawan pa kami sa pagtapat sa alulod ng bahay para masagap ang natitirang pang patak ng ulan kong ito ay pahinto na. Kahit nangangaligkig na sa lamig hindi mo ito pansin dahil sa saya at layang iyong nadarama. Tulad din ng mga bata kong wala pakialam sa lamig ng niyebe at sakit ng tama ng mga snowball sa kanilang katawan. Saya at layang hindi mababayaran, di matutumbasan ng anumang bagay na materyal. Maraming mga kabataang tourist na dumadating galing Australia at yon iba galing mga bansa sa Northern Hemisphere to ski in the numerous ski field here in Central Otago. Mga bandang October medyo painit na dito ang panahon dito na iniimplement ang daylight saving time although kahit kalagitnaan na ito ng spring nakakaexperience pa rin kami ng snow falls madalas sa kabundukan at paminminsan sa ground. Sabi nga nila in New Zealand daw in one day you can experience the four season . Maguumpisa ng maaraw, mamaya medyo lalamig, pagkatapos ay uulan at later on ay umi-snow na. This is particularly true sa aming lugal kasi malapit na kami sa dulo ng South Island ng New Zealand. Go South and you will reach Invercargill go farther South and you'll end up in Antartica kasama ng mga penguins.

December summer na ang feeling dito ng mga tao, although malamig pa rin sa kagaya kong nasanay sa mainit na panahon back home. Marami na ang nagtatago ng kanilang mga jacket at rain wear at mga nagsusuot na ng mga sleeves at summer wear. Marami na rin ditong mga nagdadatingang na mga elder couples galing sa Amerika at Britain to escape the winter there. Palapit na palapit na rin ang Pasko, kaya lang hindi mo madama dito ang "Christmas Spirit" na nakagawian mo back home. HIndi kagaya sa atin na pagsapit ng mga "Ber" months damang dama mo na na Christmas is in the air. Mga christmas carols, mga iba't-ibang pakulo ng mga commercial establishment, mga activities. Iba talaga ang Paskong Pinoy. Bakit ba ganito ang feeling ko, bakit ba ang lungkot lungkot dito ng pasko. Dahil ba sa hinahanap ko ang mga niyebeng dapat ay bumabalot sa mga kalsada at sa mga puno. Dahil ba sa halip na puti ang aking kapaligiran ang nakikita ko ay mga luntiang damuhan. Dahil ba sa halip na mga sleigh bell ang naririnig ko ay mga busina ng mga sasakyang may hila-hilang mga boat para mag layag ang naririnig ko. Dahil ba sa hinahanap ko pa rin ang White Christmas o dahil hinahanap ko ang Paskong nakagawian ko sa aking bayan. Paskong bagamat kulang sa mga niyebe at kalansing ng sleighbell ay punong puno naman kulay, saya at alaala. Paskong buo ang pamilya inay, si itay, si kuya, ate, bunso, pamangkin kung saan sabay-sabay kayong nagsisimbang gabi at pagdating ng noche buena ay salo-salo sa hapag kainan at kinabukasan ay reunion naman ng buong kamag-anakan sina lola, lolo, tiyo, tiya, pinsan. Paskong kasama ang barkada sa pangangaroling at party na walang katapusan at kapaguran. Paskong punong-puno ng saya at pagdiriwang, paskong hinahanap-hanap mo at inaasam noong bata ka pa, paskong pinakamahaba at pinakamasayang okasyon na pinagdiriwang ng mga Pilipino. Now I realized I might be dreaming of a white christmas noong bata dala na rin ng napapanood mo sa media na kung saan akala mo napakasarap ng paskong may yelo at nasa ibang bansa, pero ngayon alam ko na I might have dream of a white christmas when I was a kid, I might not realize it but I don't care pagkat sa puso ko ang alam kong hinahanap ko ay Paskong Pinoy, sa piling ng mga mahal sa buhay, kaibigan at kababayan.